Umabot na sa 30 katao ang nasawi sa naganap na stampede sa Kumbh Mela festival sa India.
Hindi naman bababa sa 60 kataong iba pa ang nasugatan sa insidente.
Ayon sa mga opisyal na hindi bababa sa 100 milyong katao ang dumalo sa at naligo sa Hindu religious festival.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad ay sinira ng ilang mga tao ang nakaharang na barrier para makaligo sa ilog.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga kaanak ng nasawing biktima.
Ang nasabing festival ay ikinokonsidera bilang pinakamalaki at pinakamapayapang kagananapan kada taon.
Sa mahigit na anim na linggo ay umabot na sa 400 milyon kataon ang dumalo sa Maha Kumbh Mela o festival of Sacred Pitcher sa gilid ng Prayagraj.
Itinanggi naman ng mga kapulisan na nagkulang sila sa pagbibigay ng seguridad dahil naglagay din ang mga ito ng mga security camera sa lugar.