Posibleng maapektuhana ang 30 milyong indibidwal sa buong bansa ng bagyong Kristine ayon sa Office of Civil Defense.
Ayon kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development.
Dagadag pa ng ahensya, nakahanda na sila para sa posibleng epekto ng bagyo at para maibsan ito.
Sa nalakap na impormasyon ni Nepomuceno, mayroong 18,000 barangay ang nasa panganib dahil sa pag-ulan kasama na dyan ang mga landslide at pagbaha na maaring mangyari sa mga rehiyon partikular na sa Central Visayas, Cordillera Administrative Region, Eastern Visayas, Ilocos Region, MIMAROPA, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Habang sa NCR naman mayroong 1,403 barangays ang maaring maapektuhan ng landslide at posibleng pagbaha partikular na rin sa mga lugar ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Pasay, Pateros, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Quezon City, Mandaluyong, Marikina, Pasig, San Juan, at Manila.