-- Advertisements --

badjao1

Pinangunahan ni House Committee on Appropriations Chair at Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co ang pamamahagi ng mga motorized banca at mga kagamitang pangisda sa 30 mangingisdang Badjao.

Layon ng nasabing programa para tulungan ang Badjao community sa kanilang hanapbuhay at palakasin ang pangingisda para masustini ang economic growth.

Bukod sa mga kagamitan, mayroon ding P15,000 na cash assistance na ipinagkaloob si Co upang makapagsimula sila ng dagdag pang pagkakakitaan.

“Ang tulong na ito ay hindi lamang magbibigay sa kanila ng hanapbuhay ngunit magdudulot din ito sa pangkalahatang paglago ng ekonomiya at kagalingan ng Badjao community,” pahayag ni Rep. Co.

Nagpasalamat naman si Co sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa walang patid na tulong sa mga mangingisda para mapaangat ang buhay ng mga mangingisda.