-- Advertisements --
Iniulat ngayon ng DOH na umakyat na sa 30 ang mga sugatan na may kinalaman sa fireworks o paputok.
Ito ay makaraang apat pang mga pasyente ang nadagdag.
Sinasabing mas marami ito kumpara naman noong nakalipas na taon.
Dahil dito nasa 76 percent ang pagtaas ng bilang ng mga sugatan wala pa man ang pagsalubong ng new year mamayang hatinggabi.
Kaugnay nito, todo pa rin ang panawagan ng DOH na sana ‘wag nang dagdagan pa ang bilang ng kaso.
Gayundin, sumali na lang daw sa community fireworks displays, at ‘wag ding kalimutan ang mga safety guidelines.
Iminungkahi pa ng DOH na kung sa bahay lang ay magpatugtog na lang ng musika at gumamit ng iba pang noise-makers.