-- Advertisements --

Nag-abiso ang Philippine Airlines (PAL) na magtatanggal sila ng nasa 2,300 na tauhan.

Katumbas ito ng 30 porsyento ng kanilang kabuuang work force.

Pero tiniyak ng PAL na bibigyan ng options ang kanilang mga empleyado para sa angkop na benepisyo o kaya ay lilipat sa iba pang tanggapan na konektado sa flag carrier.

Ang maramihang pagtanggal ay magiging epektibo sa pagtatapos ng buwan ng Marso, 2021.

Una rito, ilang malalaking hotels at restaurants na ang nag-anunsyo ng kanilang tigil operasyon, kaya maraming natanggal dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.