NAGA CITY- Umabot na sa 30 mga New People’s Army (NPA) sympathizers ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad sa San Jose, Occidental Mindoro.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa 2nd Infantry Division, Philippine Army, nabatid na mga miembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) at Milisyang Bayan (MB) ang mga sumuko.
Bahagi umano ang mga ito ng underground organization ng mga NPA na ang pangunahing trabaho ay ang pag-espiya, foodstuff, tax collector at recruiters.
Ayon kay Lieutenant Colonel Alexander Arbolado, Battalion Commander ng 4IB, ang pagbabalik loob sa pamahalaan ng mga NPA members at supporters ang nagpapakila lamang na hindi na epektibo ang mga ginagawa ng mga rebeldeng grupo.
Kahit aniya ang mga Indigenous People (IP) ang may alam na rin sa mga panlilinlang at recruitment tactics ng naturang grupo.
Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ng Philippine Army sa mga miembro ng naturang grupo na magbalik loob na sa gobyerno.