-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dahil nagbabadya na naman na uulan dulot ng Tropical Storm Dante, nagsagawa ngayon ng pre-emptive evacuation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Nabunturan sa Davao de Oro sa mga residente ng Purok 8, Barangay Magsaysay ito ay para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Nabatid na maraming bahay ang uan ng nakaranas ng mga pagbaha simula pa sa nakaraang linggo matapos ang sunod-sunod na mga pag-ulan.

Pinangunahan naman ng Nabunturan Emergency Response Team ang pagdala ng mga apektadong residente pasado alas tres kaninang hapon dahil sa posibilidad na bubuhos na naman ang malakas na ulan.

Nasa higit kumulang 30 mga pamilya ang kasalukuyang dinala sa evacuation center sa Purok 8 Brgy. Magsaysay Nabunturan Davao de Oro.

Ayon kay PDRRMO head Joseph Randy Loy, karamihan sa kanilang minomonitor ngayon ay ang mga lugar ng Compostela, Monkayo, Mawab, Maragusan at Maco sa nasabing lalawigan.