-- Advertisements --
NIGERIA – Hindi bababa sa 30 katao ang patay at higit sa 100 ang nasugatan matapos ang sunud-sunod na mga pagpapasabog ng mga suicide bomber sa iba’t-ibang lugar sa Nigeria nitong weekend.
Ang unang pag-atake noong Sabado ay isinagawa ng isang babae, ayon kay Alhaji Mohammed Shehu Timta, ang Emir ng Gwoza.
Kinondena ni Nigerian President Bola Tinubu ang mga pag-atake, tinawag itong desperadong gawain ng terorista.
Sinabi ni Tinubu na ang kanyang administrasyon ay kumikilos upang tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.
Ipinangako rin niyang dalhin sa hustisya ang mga may sala upang mapanagot.
Wala pang grupo ang umamin ng responsibilidad para sa mga pagpapasabog.