-- Advertisements --

Nauwi sa pagkasawi ng nasa 30 katao habang 50 naman ang sugatan na karamihan ay nasa kritikal na kalagayan matapos ang nangyaring banggaan ng dalawang pampasaherong tren sa Pakistan.

train pakistan

Nangyari ang aksidente nitong umaga ng Lunes habang tinatahak ng Millat Express train ang Sindh province mula sa Karachi nang ito’y madeskaril at bumangga sa Sir Syed Express train na puno ng pasahero mula sa Rawalpindo dahilan para ito’y bumaliktad.

Ayon kay Ghotki Deputy Commissioner Usman Abdullah, walong carriage ang napinsala kayat naging pahirapan ang pagsalba sa mga natrap na mga pasahero.

Inilagay sa emergency alert ang mga ospital malapit sa lugar dahil sa mga naitalang casualties.

Hindi pa malinaw sa ngayon ang dahilan ng derailment o pagpalya ng naturang train subalit ayon sa mga awtoridad kalimitang dahilan ng train accidents sa Pakistan ay kawalan ng track maintenance, signal issues at lumang engines.