Umabot na sa 30 katao ang namatay at 40 ang sugatan sa pumalyang air raid na isinagawa ng Afghan security forces sa eastern Afghanistan.
Target sana ng nasabing pag-atake ang hideout na ginagamit ng Islamic State of Iraq and the Levant group fighters (ISIL,ISIS) ngunit ang tinamaan ng mga ito ay ang mga magsasaka malapit sa Wazir Tangi area ng Khogyani district.
Napag-alaman din na katuwang ng Afghan security forces ang tropa militar mula sa Estados Unidos.
Sa ngayon, tikom pa ang bibig ng US ukol sa nangyari.
Ayon kay Sohrab Qaderi, provincial council member sa eastern Nangarhar province, napatay ng naturang drone strike ang 30 manggagawa ng pine nut field at 40 naman ang malubhang nasugatan.
Kinumpirma naman and insidenteng ito ng Kabul defence ministry ngunit tumanggi ito na ibahagi ang detalye ng pinsala.
“The government is investigating the incident, so far nine bodies were collected from the attack site near a pine nut field,” saad ni Attaulah Khogyani,