-- Advertisements --
Nasa 30 katao ang patay sa naganap na tatlong suicide bombing sa Lagos, Nigeria.
Dalawang babae at isang lalaki ang itinuturing suspek na ikinasugat ng 39 iba pa.
Pinasabog pa ng isang bombers ang dala nitong bomba sa labas ng isang cinema hall kung saan nandoon ang mga soccer fans para manood at 24 dito ang patay.
Sa Ilang kilometrong layo ay dalawang babae naman ang nagpasabog ng sarili na ikinasawi ng anim na katao at ikinasugat ng 17 iba pa.
Ayon sa mga otoridad na pinasabog ng mga suspek ang kanilang bomba sa iba’t-ibang bahagi sa iisang lugar.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang grupong kinaaniban ng mga suspek.