-- Advertisements --

Nasa 30 katao ang nasawi sa naganap na airstrike sa palengke Tigray region sa Ethiopia.

Naganap ang insidente kasabay ng 33rd ‘martyrs day’.

Sa nasabing petsa ay dito naganap ang Hawzen Massacre na ikinasawi ng mahigit 1,000 katao mula sa Tigray.

Mariing pinabulaan naman ni Ethiopian Military spokesman Col. Getinet Adane ang insidente.

Hindi nila tinatarget ang mga sibilyan at sa halip ay mga rebeldeng grupo mula sa Tigray.