-- Advertisements --
Nasa 30 katao ang patay sa naganap na car bombing sa eastern Afghanistan.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinasabog ng mga suspek ang sasakyan malapit sa guesthouse kung saan nanunuluyan ang mga estudyate sa Pul-e-Alam sa Logar Province.
Kabilang sa mga nasawi ang ilang estudyante.
Nagkasira-sira ang mga gusali at maging ang mga katabing gusali ay nadamay na rin.
Wala pang grupong umako sa nasabing insidente.