-- Advertisements --

Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi matapos ang nangyaring pagsabog sa mosque ng Kandahar, Afghanistan.

Wala pang grupo ang umako sa nasabing insidente.

Base sa ilang mga nakasaksi na mayroong tatlong suicide bomber ang pumasok sa mosque.

Isa sa mga ito ang nagpasabog sa pintuan ng mosque habang ang dalawa ay sa loob mismo ng mosque.

Marami ring mga mananampalataya ang nasugatan matapos na agad na dinala na ang mga ito sa pagamutan.

Kinondina naman ni Taliban spokesperson Zabiullah Mujahid ang insidente at tiniyak nila na pananagutin ang nasa likod ng insidente.

Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay nasa 20 katao ang nasawi sa suicide bombing sa Shia mosque sa Kunduz.