-- Advertisements --
Nasa 30 katao ang nasawi matapos ang pagkadiskaril ng tren sa southern Pakistan.
Bukod pa sa nasawi ay mahigit 100 katao naman ang nasugatan sa nasabing aksidente na naganap malapit sa Sahara railway station sa Nawabsha ng lungsod ng Karachi.
Bumaligtad naman ang ilang carriage ng Hazara Express dahil sa aksidente.
Dinala na sa pagamutan ang mga nasugatang biktima kung saan inaasahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga masasawi.
Sa inisyal na imbestigasyon ay bigla na lamang natanggal sa riles ang walong carriages.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing insidente.