-- Advertisements --

Aabot sa 30 katao ang patay habang marami ang nawawala sa paglubog ng isang bangka sa Democratic Republic of Congo.

Ayon kay Mayor Simon Mbo Wemba ng bayang Innogo sa western Congo, mayroong mahigit 350 pasahero ang lulan ng bangka.

Nasagip na nila ang may 183 pasahero sa lugar kung saan lumubog ang bangka.

Dagdag pa nito na ang nasabing overloaded na bangka ay umalis mula sa Innogo at ito ay lumubog sa bahagi ng lawa ng Mai-Ndombe.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad sa nasabing insidente.