-- Advertisements --
NCC athletes village Wuhan nCoV OFW

Walang ipinapakitang sintomas ng novel coronavirus ang 30 Pilipinong ni-repatriate pabalik ng bansa kahapon mula Wuhan City, China.

Sa Laging Handa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Interior & Local Government Usec. Jonathan Malaya, sa ngayon asymptomatic ang mga ito pero tuloy ang kanilang 14-day quarantine period.

Kaugnay nito, muling kinalma ni Usec. Malaya ang mga taga-New Clark City sa Capas, Tarlac kung saan dinala ang mga Pilipino mula Wuhan at sinabing walang dapat ikatakot ang mga residente doon dahil kung tutuusin ay doon pa nga ang pinakaligtas na lugar dahil doon ipapatupad ng pamahalaan ang pinakamataas na quarantine measures.

Ayon kay Malaya, nitong 24 oras na ipinatutupad ng DOH ang safety measures at bantay-sarado rin ito ng mga tauhan ng PNP.

Kasunod nito, tiniyak ni Usec. Malaya na walang katotohanan ang mga haka-hakang maipapasa ang nCoV sa pamamagitan ng langaw at iba pang insekto.

Wala pa umanong scientific basis ang makapagpapatunay dito.

ofw wUHAN nCoV NCC Capas DOH athletes village