-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang senior citizen at sugatan naman ang 30 iba pa matapos mahulog ang isang de pampasaherong jeep sa hinuhukay na drainage canal sa Barangay Supa, San Jose, Antique.

Ang namatay na biktima ay kinilalang si Editha Aquino, 65, ng Valderrama, Antique.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay M/Sgt Louel Biliran, hepe ng San Jose Municipal Police Station, sinabi nito na natumbahan ng punongkahoy ang jeep na siyang dahilan ng pagkahulog nito sa hinuhukay na drainage.

Napag-alaman na nagmula sa bayan ng San Jose ang jeep at papunta sana sa Valderrama ng mangyari ang aksidente.

Isinailalim naman sa hospital arrest ang driver ng jeep.