-- Advertisements --
Sugatan ang 30 pasaherong lulan ng Turkish Airlines passenger jet mula Istanbul patungong New York.
Ito ay matapos na makaranas ng “severe turbulenc” ang Boeing 777 nang dumaan ito sa Atlantic Ocean, o halos 45 minuto bago mag-landing.
Dinala kaagad sa mga local hospitals ang mga pasahero mula John F Kennedy International Airport sa New York.
Isa sa mga flight attendant ng naturang eroplano ay nabalian ng paa, ayon kay Steve Coleman, spokesperson ng Port Authority of New York at New Jersey.