BAGUIO CITY – Tampok ngayong araw sa Baguio City kasabay ng pag-alaala sa ika-30 taong anibersaryo ng July 16, 1990 killer quake ang isang documentary film na may titulong “Trailer of Writing Thirty.”
Nilalaman ng docu film ang 30 kwento ng mga residente ng Baguio City sa kasagsagan ng lindol na kumitil sa higit 2,400 na buhay at sumira sa maraming malalaking istruktura.
Napag-alaman na ang documentary film ay dinirehe ng visual and community theater artist na si Angelo Aurelio.
Ibinahagi rito ng mga journalists, survivors at interviewees ang alaala sa mga naging biktima ng lindol at kung paano bumangon muli ang Baguio City mula sa trahedya.
Binuo ang docu film bilang pagbibigay pugay ng creative and journalism community ng Baguio sa katapangan, pag-asa at katatagan ng mga taga-Baguio sa panahon ng kalamidad.
Samantala, dahil sa kasalukuyang pandemya ay hindi matutuloy ang tradisyonal na tree planting ng Baguio mediamen na may traditional ritual bilang pag-alala sa mga biktima ng killer quake.