CAUAYAN CITY- Halos 300 indibiduwal ang nakatakdang isailalim sa RT PCR test sa isang pribadong pagamutan sa Santiago City na una nang napaulat na muling isinailalim sa calibrated total lockdown.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Health Officer Dr. Genaro Manalo, sinabi niya na mahigit 60 indibiduwal na ang kanilang natunton at naitalang direct contact ni patient CV 999 na isang 61 anyos na Health Worker sa Adventist Hospital.
Aniya, marami ang kanilang tinitingnang anggulo may kaugnayan sa pagpositibo ni patient CV999.
Kabilang na rito ang paghahatid nito sa kanyang asawang Doktor sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) at maaring may koneksyon din ito sa unang naadmit sa naturang pagamutan na positibo sa Covid-19 na mula sa Cauayan City
Kaugnay nito ay sisikapin nilang isailalim sa SWAB test ang lahat ng mga kawani, manggagawa at mga naninirahan sa compound ng pribadong pagamutan na tinatayang nasa 300 indibidual.