Kinumpirma ni PNP chief Ronald Dela Rosa na nasa 226 short firearms at 40 long firearms ang isinuko ng ilang mga private individuals sa Ozamiz City sa ilalim ni S/Insp. Jovie Espenido.
Ayon sa PNP chief, sa nasabing bilang nasa 17 short firearms at walong long firearms ay pagmamay-ari ng barangay captain.
Sa kabuuan nasa 291 long at short firearms ang isinuko sa Ozamiz police station.
Ayon kay Dela Rosa posibleng natakot ang mga sibilyan at mga barangay captains baka maging subject sila sa isasagawang operasyon ng PNP kaya bago pa ito mangyari ay boluntaryo nilang isinuko ang kanilang mga armas.
Hindi naman isinasantabi ng PNP chief ang posibilidad na mga kaalyado ito ng mga Parojinog.
Dagdag pa ni Dela Rosa, ang anim na target ng PNP na mga lugar ay naisilbi na ang warrant.
“So far ‘yong 6 targets na mga lugar ay na-serve na ang warrant ‘yon nga lang may miyembro ng pamilya nila na subject na ma-search ang bahay pero wala,” wika pa ni Dela Rosa.
Hindi pa masabi ni PNP chief kung kasuhan ang mga indibidwal na boluntaryong isinuko ang kanilang mga armas.
Ilang mga residente naman sa lugar ang nagpapasalamat pa rin kay Espenido na ang pagsuko nila ng armas ay hindi nangangahulugan na kakasuhan din sila.