CAUAYAN CITY – Nasabat ang mga abandonang iligal na pinutol na kahoy ng mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station sa Abuan River na bahagi ng barangay Cabisera 10, Ilagan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station bago ang isinagawang operasyon ay nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa inabandonang mga kahoy na sinasabing nagmula sa kabundukan sa Sierra Madre na kaagad nilang tinugunan.
Batay sa isinagawang imbentaryo, tinatayang 300 board feet ang mga nasabat na kahoy sa Abuan River.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang monitoring ng mga awtoridad sa naturang lugar maging sa mga kalapit na barangay dahil sa nagpapatuloy na illegal logging activity.
Dahil sa patuloy na pagkakasabat ng mga illegal na pinutol na kahoy ay patunay lamang na hindi pa rin tumitigil ang mga illegal loggers sa pamumutol ng mga kahoy sa kabundukan ng Sierra Madre.