GENERAL SANTOS CITY – Umabot na sa 300 ektarya ng pananim ang apektado dahil sa epekto ng El Niño sa lungsod ng General Santos.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Elsie Villanueva, assistant head ng City Agriculture Office-GenSan, inihayag nito na ito ay mahigit P12-milyong halaga ng pinsala sa mga pananim.
Batay sa kanilang monitoring pinakamatindi aniya ang pinsalang naitala sa Barangay San Jose kung saan kabuuang 102 ektarya ng sakahan ang apektado nakaramihan ay banana plantations.
Aniya, nasa 23 ektarya ng mga tanim na saging ay ikinokonsiderang “totally damaged.”
Dagdag pa ni Villanueva, mayroon na ring nai-report na pinsala sa cacao plantations sa Barangay Tinagacan at Olympog.
Sa validation ng City Agriculture GenSan ay nasa P3.7-milyon ang pinsala sa mais at palay habang P8.6-milyon naman sa high-value crops.
Ang iba pang apektado ng tagtuyot ay ang mga barangay ng Upper Labay, Batomelong, Sinawal, Tinagacan at Olympog.