-- Advertisements --

Mahigit 300 na indibidwal na ang inilikas ng mga awtoridad sa Oroquieta City, Misamis Occidental matapos umapaw ang ilog ng Layawan.

Kung saan pinasok na ng mga tubig ang ilang mga kabahayan sa iba’t-ibang mga Barangay kagaya na lamang sa Barangay Villaflor.

Inatasan na ni Misamis Occidental Governor Henry Oaminal ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa pagmo-monitor ng sitwasyon sa Rehiyon.

Kasalukuyan naman namamalagi ang mga apektadong residente sa iba’t-ibang mga barangay sa mga evacuation center.

Suspendido narin ang klase sa lahat ng antas sa pang publiko at pribadong mga paaralan.