CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 300 na mga matataas na uri ng armas ang sabay-sabay na sinira sa headquarters ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army sa Camp General Gonzalo H Siongco Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte.
Ang ceremonial demilitarization ay pinangunahan mismo ni AFP Chief of Staff Lieutenant Generafl Bartolome Vicente Bacarro.
Ang mga armas ay nakompiska at isinuko ng mga Armed Lawless Group sa AOR ng 6th ID.
Ang pagsira ng mga armas ay ginawa ng militar upang hindi na magamit pa ang ito sa anumang karahasan at terorismo.
Todo pasalamat naman si 6ID at Joint Task Force Central Commander, Major General Roy Galido kay General Bacarro sa kanyang pagbisita sa Kampilan Troopers.
Ayon kay Lieutenant General Bacarro, ang pagsira sa naturang mga baril ay isang patunay na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo ng terorismo at insurhensiya sa bansa.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin nito na nararamdaman ng taumbayan ang serbisyo ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Patunay aniya nito ang pagtaas ng approval ratings at pangalawa sa third quarter poll para sa trust ratings.
Tiniyak Bacarro na uunahin kapakanan ng tropa, partikular na pagbibigay ng uniporme at iba pang benepisyo.