-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Umabot sa 300 mga guro sa buong Caraga Region ang isina-ilalim sa tatlong araw na training-orientation para sa recalibrated Kindergarten to Grade 10 (K-10) curriculum o mas nailang Matatag curriculum na nakatakdang i-pilot run sa Setyembre a-25.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Department of Education-Caraga spokesperson Pedro Tecson na mula ang mga ito sa limang mga piling paaralan sa buong rehiyon na isina-ilalim sa training para sa mga programang Filipino, English, MAPE, Mathematics at Science.
Nilinaw ng opisyal na ang feedback na makukuha mula sa field ay syang gagamitin ng kanilang sentrong tanggapan para sa pagpapatupad nito sa iba pang mga rehiyon ng bansa.