-- Advertisements --
Nailigtas ng mga kapulisan sa Nigeria ang mahigit 300 na kabataan sa isang paaralan sa Kaduna City.
Ayon sa mga kapulisan na naging kalunos-lunos ang kalagayan ng mga kabataan na kanilang nadatnan.
Ang may-ari ng paaralan umano ay nagpapatakbo ng Islamic school na nagpapabago sa mga mag-aaral.
Nilusob ng mga kapulisan ang lugar matapos na makakuha sila ng impormasyon na ginagapos ang mga bata.
Pawang mga nasa edad 13 pababa ang mga bata na kanilang nailigtas.
Ikinulong na at kinasuhan ang anim na guro at ang may-ari ng paaralan dahil sa insidente.