CENTRAL MINDANAO-Masayang umuwi sa kanilang tahanan ang mahigit tatlong daang magsasaka sa Datu Montawal Maguindanao.
Tumanggap ng allowance, food packs, apat na sako ng fertilizers o pataba, dalawang sako ng Urea at isang sako ng Ammonium sulfate ang bawat isa sa mga magsasaka mula sa 11 barangay sa bayan ng Datu Montawal.
Ang programa ay pinangunahan mismo ni Mayor Datu Ohto Montawal,unang ginang ng bayan Bai Krestil “Bing”Montawal at si Vice Mayor Datu Vicman Montawal katuwang ang National Tabacco Administration.
Sinabi ni Mayor Montawal na kasama sa kanyang mga prayoridad ang mga magsasaka na malaking nai-ambag sa bayan sa paglago ng agrikultura.
Dagdag ng alkalde na siya rin ay isang magsasaka at ramdam niya ang pangangailangan nito kaya nararapat lamang na silay tulungan.
Umaasa si Mayor Montawal na tumaas pa ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa bayan ng Datu Montawal sa tulong din ng makabagong Maguindanao.