(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Lomobo pa sa 290 pamilya ang kumpirmadong apektado ng urban flooding na unang tumama sa tatlong barangays sa Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos naisagawa ng CdeO’s City Social and Welfare Development ang assessment sa bilang ng mga pamilya na tinamaan ng baha sa barangay ng Tablon, Cugman at Iponan sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni CDRRMD head Nick Jabagat na nasa apat na kabahayan ang totally damage habang 47 ang nagtamo ng mild damages partikular sa Purok 11, Sitio Baloy ng Barangay Tablon.
Inihayag ni Jabagat mayroong ilang residente ang nagtamo ng minor injuries dahil nagtakbuhan para makaiwas ng baha.
Wala namang kahit isa ang natangay o napaulat na missing.
Dagdag pa ng opisyal maliban sa kabahayang nasira ay nasa halos 40 na pamilya rin ang nailikas mula naman sa bahagi ng Barangay Iponan dahil lumaki ang tubig-baha sa ilog.
Nakabalik na ang halos lahat ng mga pamilya sa kani-kanilang kabahayan maliban lamang sa dalawang bahay na inanod ng baha patungong dagat sa Barangay Tablon nang inulan ang lungsod noong nakaraang Martes ng gabi.