-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaligtas sa bingit ng kamatayan ang aabot sa 300 mga pasahero at crew ng Ocean Jet 7 matapos hampasin ng mga malalaking alon malapit sa Plaridel, Misamis Oriental Port kaninang tanghali.
Pinawi naman ni Philippine Coast Guard-10 spokesperson Ensign Jefred Quirog ang pag-aalala ng mga pamilya ng mga pasahero dahil mabilis na nailigtas ng PCG ang lahat ng mga sakay ng nasabing fast craft.
Una rito, dakong alas-11:30 bago magtanghali ay terminated na ang rescue operation sa naturang barko.
Ang ibang mga pasahero ay pinasakay nga ibang fast craft patungong Dumaguete.
Samantala ang iba naman ay minabuting manatili muna sa pantalan dahil sa labis na naramdamang takot