Nasa 3,000 piraso ng M4 rifles, tatlong milyong rounds ng iba’t ibang klase ng ammunition, 30 sniper scopes na nagkakahalaga ng $22 million, ang ibibigay na donasyon ng China para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Mismong sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief of staff Gen. Eduardo Año ang tatanggap sa mga nasabing donasyon ng Beijing, na iha-handover naman mismo ni Chinese Ambassador to the Philippines Xiao Jin Hua.
Hindi naman matiyak ni Arevalo kung ang nasabing mga armas ay bahagi ng $40 million grant ng China sa Pilipinas.
Binigyang-diin ni Arevalo na malaking tulong para sa AFP ang mga donasyong armas ng China lalo na sa operasyon sa Marawi at maging sa iba pang bahagi ng bansa kung saan ongoing ang military operation.
Aniya, lalo pang mapapalakas ang firepower capability ng militar.
Hindi rin masabi ni Arevalo na kung US licensed copy o Chinese copy ang M4 rifles.
Sa kabilang dako, inihayag ni Arevalo na naipamahagi na rin sa mga operating unit ang unang batch ng mga baril na ibinigay ng China.
Ito na ang pangalawang batch ng mga baril at gamit pang militar na donasyon ng China at may pangatlo pang batch na darating sa unang bahagi ng 2018.