Muli na namang nagtala ang Estados Unidos ng pinakamaraming COVID deaths na umabot sa 3,054 sa loob lamang ng isang araw.
Bago ito, ang pinakamaraming nasawi sa loob ng 24 oras ay noong May 7, 2020 na naitala sa 2,769.
Liban nito, nagrerehistro rin ang Amerika ng mahigit sa 200,000 mga bagong kaso kada araw.
Iniulat naman Covid Tracking Project na mahigit na ngayon sa 106,000 ang mga mga pasyente na naka-confine sa iba’t ibang mga ospital.
May hinala ang mga eksperto na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawa sa deadly virus ay bunsod nang pag-relax ng mga tao tulad na lamang sa selebrasyon ng Thanksgiving Day kamakailan.
Dagdag pa rito ang kabiguan umano ng gobyerno ng Amerika na magpatupad ng epektibong anti-COVID response.
Sa ngayon ang US ang nananatili na pinakaapektadong bansa sa buong mundo na mahigit na sa 15 million ang mga kaso at mahigit din sa 289,000 ang death toll.