-- Advertisements --

Humigit-kumulang 3,000 litro ng hydrochloric acid, na karaniwang kilala bilang muriatic acid, ang tumagas sa isang chemical tanker sa Quirino Avenue sa Maynila ngayong Linggo ng umaga, ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ng Manila Special Rescue Force na binawasan na ang kemikal para mawala ang concentration at potential harmful effect nito.

Nangyaru ang pagtagas malapit sa isang drainage system pero malayo sa mga residential areas, ayon sa grupo.

Bilang pag-iingat, pansamantalang namang isinara ng Metropolitan Manila Development Authority ang northbound lane ng Quirino Avenue dahil sa insidente, mula Osmeña Highway hanggang Pedro Gil Street.

Inilipat ng isang forklift ang tanker dahil wala na itong laman, kasabay ng pagpapahintulot sa northbound lane ng Quirino Avenue na muling magbukas.

Ayon sa driver ng tanker, nasira ang chassis o base farm nito habang patungo ito sa Bulacan mula Laguna.

Sinabi ng driver na nakarinig siya ng kalabog habang kumakanan mula Osmeña Highway patungong Quirino Avenue, na sinundan naman ng pagtagas ng gas at paglabas ng usok.

Hinugasan ng Bureau of Fire Protection ang pavement at drain para maalis ang anumang chemical residue.