Halos 3,000 mga medical workers na nagtatrabaho sa mga hospitals, care homes at health centers ang sinuspendi ng gobyerno sa France.
Temporaryong pinahinto ang mga ito sa trabaho matapos mabigo na maka-comply ng mandatory COVID vaccination.
Samantala, inaprubahan naman ng Italian government ang pinakamahigpit na anti-COVID-19 measures sa buong bansa kung saan inoobliga ang lahat ng mga workers na magpakita ng “proof of vaccination” o kaya ay negative test.
Ang bagong panuntunan ay sapilitang ipapatupad sa Oktubre 15.
Kahit sinong manggagawa na hindi makapagpakita ng valid health certificate ay suspendihin ng walang sahod ngunit hindi maaaring tanggalin sa trabaho.
Ang mga hindi naman papasok sa trabaho dahil walang valid health certificate ay magbabayad ng penalty na 600 to 1,500 euros o mahigit P35,000 hanggang P88,000.
Ang mga employer naman ay magbabayad ng 400-1000 euros o mahigit P23,000 hanggang P58,000.
Kung maalala, ipinag-utos sa Italya noong buwan ng Marso ang mandatory vaccinarion sa mga health workers.
Noong Setyembre 16, nasa 728 na mga doktor sa buong Italya ang nasuspinde dahil hindi nagpabakuna. (with reports from Bombo Jane Buna)