-- Advertisements --

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, PDir. Oscar Albayalde nasa 3,000 mga pulis ang kanilang ideploy para magbigay seguridad lalo na sa magsasagawa ng kilos protesta bukas Labor Day.

Sinabi ni Albayalde na ang 2,000 mga pulis ay magmumula sa Manila Police District (MPD) habang ang 1,000 ay mula sa Regional Public Safety Battalion.

Sinabi ni Albayalde na kahit tapos na ang ASEAN Summit, nananatiling nasa full alert status ang kalakhang Maynila hanggang bukas May 1, Labor Day.

Una ng inihayag ng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) na nasa 3,000 miyembro nila ang magsasagawa ng kilos protesta na sasamahan ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na nasa 5,000 umanong mga miyembro.

Pagtiyak naman ng PNP na maximum tolerance ang kanilang ipapatupad laban sa mga rallyista.

Ayon sa heneral na kanilang nirerespeto ang anumang mga rally basta huwag lamang manakit at manira ng mga property.

Nilinaw ni Albayalde na pwedeng magsagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo sa mga freedom parks kabilang ang Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Aniya,mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng rally sa harap ng United States Embassy sa may bahagi ng Roxas Boulevard.