-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa higit 3,000 pulis ang sinanay ng Philippine National Policen para tumayong board of election inspector (BEI) sa buong bansa kasabay ng halalan sa Lunes.
Sa pagbisita ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa Police Regional Office-12 nitong Huwebes sinabi nito na kalahati ng naturang bilang ang ide-deploy sa Mindanao at mga itinuturing na criminal areas.
Nabatid daw kasi ng Pambansang Pulisya na may ilang guro ang aatras.
Samantala, hinikayat ni Gen. Albayalde ang publiko na i-report sa PNP hotlines kung may makikitang kahit anong uri ng paglabag sa Comelec rules and regulations sa araw ng halalan kagaya ng vote buying, presensya ng mga armadong grupo, at iba pa.