-- Advertisements --
Bigas

Inihayag ng isang rice industry group na 300,000 metric tons ng imported na bigas ang nakatakdang dumating kahit hindi sila tiyak kung makatutulong ito sa pagpapababa ng mga presyo sa merkado sa bansa.

Ayon sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRiSM) na humigit-kumulang 300,000 MT ng bigas ang nakatakdang dumating ngayong buwan at sa Setyembre.

Gayunpaman, hindi sigurado ang PRISM kung ito ay magpapababa ng presyo ng bigas.

Samantala, Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban nagkaroon ng dayalogo ang ahensya sa Vietnam at India “sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.”

Bilang resulta, sinabi ni Panganiban, ang ilang Vietnamese exporters ay nag-quote sa mga pribadong mangangalakal ng $30-$40 na mas mababa mula noong huling pulong sa MalacaƱang.

Gayunpaman, sinabi ng Federation of Free Farmers Cooperatives na hindi tayo dapat umasa sa mga pag-uusap dahil ang ibang mga bansa ay nakikipag-negosasyon din sa India at Vietnam.