-- Advertisements --

Nasa mahigit 300 cases na ang isinampa ng DILG laban sa mga local officials na sangkot sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nasa 270 cases na ang naisampa sa prosecutor’s office habang 27 alleged SAP-related anomalies ang ni re-file sa Office of the Ombudsman.

edano

Nasa 782 SAP anomaly cases ang iniimbestigahan ng DILG kung saan nasa 1,278 ang mga suspeks.

Kasong paglabag sa RA 3019 of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act; RA 6713 Code of Conduct and Ethical Standards at Bayanihan to Heal as Once Act ang kakaharapin ng mga lokal na opisyal.

Sa datos ng DILG, nasa 89 barangay chairmen ang suspendido ngayon dahil sa SAP violation.

Dagdag pa ni Año sa administrative case na kanilang isinampa laban sa mga barangay captains, 184 complaints ang ni refer sa Prosecutors office at 57 dito ay ongoing ang court trial habang 66 ang na re-filed sa Ombudsman.