Inihayag ng Department of Agrarian Reform ang plano nitong pamamahagi ng aabot sa 30,000 na mga land titles ngayong taon.
Ang kabuuan ng titulong ito ay pakikinabangan ng aabot rin sa 30,000 na mga benepisyaryo ng naturang ahensya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, na sa unang taon pa lamang ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nakapagbigay na sila ng aabot sa 71,360 na mga titulo ng lupain sa mga magsasaka sa Pilipinas.
Ang bilang na ito ay mas marami kung ikukumpara aniya sa kabuuang bilang ng nagdaang administrasyon.
Binanggit rin ng kalihim na nakapagbigay sila ng mga e-title sa ilalim ng kanilang proyektong tinatawag na Support to Parcelization of Lands for Individual Titling.
Siniguro rin ni Estrella na buo ang kanilang suporta sa mga proyekto at agenda ng Pangulong Marcos Jr.