Inilagay ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno sa 48 oras na hard lockdown ang 31 barangay.
Sa pinirmahan nitong Executive Order 31, ipapatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) ang mga barangay mula 12 a.m. ng Sabado hanggang 11:59 ng linggo July 5.
Ang nasabing paglalagay sa lockdown ay matapos na nagtala ng mataas na kaso ng coronavirus mula Hunyo 15-29.
Ang mga barangay na ilalagay ay sa District 1: 20, 41, 51, 56, 66, 96, 97, 101, 106, 116, 118, 120, 128, 129.
Barangay 163, 173, 180, 185 at 215 ng District 2, Barangay 275, 310, 343, 380 ng District 3.
Sa District 5 : 649, 724, 766, 775, 811 at sa District 6 ay kinabibilangan ng Barangay 836, 846 at Barangay 847.
Ang nasabing paglalagay ng ECQ ay para isagawa ang disease surveillance, rapid risk assesment at testing operations.
Pumalo na kasi sa 147 na positive cases ang naitala sa 31 barangay.
Sinabi pa ng alkalde na striktong ilalagay sa loob ng kanilang bahay ang mga residente at sila ay mahigpit na pagbabawalang lumabas sa kanilang bahay.
Papayagang makalabas lamang ay ang mga health workers, military personnel, service workers, utilit workers, essential workers, barangay opisyal ay mga media practitioner.