CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 31 Barangay sa Pikit Cotabato ang lubog sa baha dulot ng pag-apaw ng Pulangi River.
Ito ang kinomperma ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Pikit) Officer Tahira Kalantongan.
Wala namang lumikas sa baha dahil sanay na ang mga residente tuwing tag-ulan na umaapaw ang Pulangi river at Liguasan Marsh.
Patuloy naman ang monitoring ng MDRRMO sa mga home-based families na apektado ng pagbaha.
Umaabot na sa 21,000 pamilya ang apekto ng baha at wala namang naiulat na nasawi.
Nakaantabay ngayon ang MDRRMO Rescuers 24/7 kung sakaling lumala ang sitwasyon o tataas pa ang lebel ng baha.
Nakapaghatid na ng inisyal na tulong ang LGU-Pikit sa pamumuno ni Mayor Sumulong Sultan sa mga bihahang pamilya.
Samantala, patuloy naman ngayon ang monitoring ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa agricultural crops na sinira ng baha.