-- Advertisements --

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahain ng COC ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 midterm ang local elections.

Kaugnay nito ay umabot sa 31 ang kabuuang bilang ng mga kandidato sa pagka kongresista sa Metro Manila ang naghain ng COC.

Ang datos na ito ay naitala sa ikatlong araw ng COC filling na magtatagal naman hanggang Oktubre 8 ng taong ito.

Ayon sa Commission on Elections, sa nasabing bilang , 13 dito ay naghain ng COC noong Oktubre 1, walo noong Oktubre 2 at sampo ang naghain kahapon.

Naghain na rin ng COC kahapon sina Rolando Aguilar na tatakbo sa ikalawang distrito ng Parañaque City at si Luisito Redoble na tatakbo bilang kinatawan ng Las Piñas.

Paliwanag ng Comelec-NCR na marami pa ang hahabol sa COC filing hanggang sa huling araw nito.