CENTRAL MINDANAO-Dala-dala ang mga matataas na uri ng mga armas sumuko sa militar ang 31 mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Sumuko ang mga rebelde sa tropa ng Ist Brigade Combat Team ng Philippine Army sa Barangay Pigkalagan Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.
Ang sumukong terorista ay nagmula sa SMPS box sa Maguindanao Del Sur at sa probinsya ng Cotabato.
Ang pagsuko ng 31 BIFF ay bahagi ng programa na Presentation of victims of terrorist ideology and Circumtances na dinaluhan ng mga representante ng LGU’s mula sa ilang bayan sa Maguindanao at Cotabato Province sa pangunguna ni Midsayap Municipal Councilor Antonio “Bayong” Bayya Jr na nag-abot ng tulong sa mga rebelde.
Nagpasalamat naman si Ist Brigade Combat Team Commander Bregadier Leodevic Guinid sa mga rebelde na nakapagdesisyon na sumuko at magbagong buhay.
Hinikayat ni BGen Guinid ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.