-- Advertisements --

legazpi1

Nasa 19 million hanggang 31 million individuals ang tinatayang maaapektuhan ng hagupit ng Bagyong Rolly sa mga lugar na sa loob ng typhoon track.


Ito ay base sa predictive analytics ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, November 1,2020.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, base kasi sa kanilang monitoring at ang lawak ng sakop ng Bagyong Rolly, maraming lugar ang maaapektuhan.

Siniguro naman ni Timbal na sapat ang mga evacuation centers sa mga nasabing lugar kung saan inilikas ang mga apektadong kababayan natin.

Kahapon iniulat ni NDRRMC Executive Director Usec Ricardo Jalad na sa Bicol region halos isang milyon na ang inilikas bago pa man mag landfall ang Bagyong Rolly kaninang madaling araw sa Catanduanes.

Lahat ng mga nakatira sa mga danger zones ay inilikas na sa mas ligtas na lugar dahil ang Bagyong Rolly ay may dalang malakas na hangin at pag-ulan na magdudulot ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa at storm surge.

Pinatitiyak naman ni Jalad sa mga LGUs na nasusunod ang Covid-19 protocols sa mga evacuation centers.

Ongoing na rin ang mga evacuation sa mga lugar sa Calabarzon at maging dito sa Metro Manila lalo na duon sa mga itinuturing na mga vulnerable areas.

Naka standby na rin ang mga unifomed personnel mula sa AFP,PNP, Phil Coast Guard na magsisilbing Disaster Response Units sa mga lugar na kakailanganin ang kanilang tulong.

Naka-preposition na rin ang mga family food packs na ipamamahagi sa mga kababayan nating nasa mga evacuation centers.

” Our predictive analytics po reflect between 19M-31M individuals will possibly be afected by the storm based on the population count in the areas within the typhoon track. However po, hindi po separate yung people livining in danger zones from those who are not,” mensahe ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal.

Paliwanag pa ni Timbal karamihan sa mga indibidwal na inilikas ay mula sa mga danger zones.

” This means po that figures of evacuation would be be very different from this kasi po ang evacuation po natin will be coming mostly from danger zones,” dagdag pa ni Timbal.