Pormal nang tumalikod sa Communist Terrorist Group at nagbalik-loob muli sa pamahalaan ang 31 dating mga miyembro ng communist-affiliated mass organization na Alyansa ng Magbubukid ng Asyenda Luisita (AMBALA).
Ito at matapos ang isinagawang closing ceremony ng AgriBusiness Trainiing Program ng mga magsasaka ng Malayang Magbubukid ng Asyenda Luisita na ginanap sa Barangay Balete, Tarlac City noong Enero 30, 2024.
Ang pagbabalik-loob na ito ng naturang mga dating miyembro nasabing samahan ay malugod na sinalubong at tinanggap ng Armed Forces of the Philippines, Northern Luzon Command, at maging mga miyembro ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict 3.
Anila, ito ay isang maituturing na major setback para sa mgaa nalalabing miyembro ng CTG sa Tarlac na patuloy pang nagsusumikap upang muling buhayin ang nawalang suporta sa kanila lalo na ng sektor ng mga magsasaka.
Ayon naman kay MALAYA chairperson, Florida “Ka Pong” Sibayan, ang pagtigil ng naturang mga indibidwal sa pagsuporta sa CTG ay nagpapakita lamang ng kanilang pagpili sa peace and development kaysa sa karahasan at insurrection na dalang nasabing komunistang teroristang grupo.
Samantala, 31 dating mga miyembro ng AMBALA ay magiging kasapi na ng MALAYA na isang organisasyon at kooperatiba ng mga dating tagasuporta at miyembro ng CTG sa Tarlac, at maging isa sa mga boses kapayapaan at pagkakaisa sa layuning pagwawakas ng Communist Terrorist Armed Conflict sa Northern at Central Luzon.