-- Advertisements --
Patay ang nasa 31 katao matapos ang ginawang airstrike ng US sa kuta ng mga Huthi rebels sa Yemen.
Ang nasabing atake ay matapos ang banta ni US President Donald Trump laban sa Iran-backed group na umaatake sa mga barko sa Red Sea.
Ayons a Huthis na karamihan sa mga nasawi ay mga babae at kabataan.
Tumama ang airstrikes sa mga lugar ng Saada, Al-Bayda at Radaa kung saan nag-iwan din ito ng 101 katao na sugatan.
Dinala ang mga sugatang biktima sa iba’t-ibang pagamutan.
Una ng sinabi ni Trump na gagamit ito ng madugong puwersa para tuluyang matigil ang pag-atake ng mga Huthi rebels.