-- Advertisements --
Sugatan ang 31 katao matapos ang banggaan ng dalawang bus EDSA Bus Carousel.
Nangyari ang aksidente dakong 9:30 nitong Lunes gabi sa boundary ng Guadalupe sa lungsdo ng Makati at Boni, Mandaluyong.
Base sa imbestigasyon na binangga ng bus ang nasa harapan nito.
Dinala na sa mga pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng bahagyang galos dahil sa matinding banggaan.
Kabilang sa mga nagresponde ang kasapi ng Philippine Red Cross, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing aksidente.