-- Advertisements --
Nasa 31 katao ang nasawi sa naganap na stampede sa Karbala, Iraq.
Bukod sa nasawi ay mayroong 100 iba pa ang nasugatan sa nasabing insidente na itinakbo pa sa pagamutan.
Pinangangambahan ng health ministry spokesman na posible pang madagdagan ang nasawi sa insidente.
Nangyari ang insidente sa commemorations ng Shia holy day of Ashura.
Ang Ashura ay sumasabuhay sa martyrdom sa pakikipaglaban ni Imam Hussein ang apo ni Prophet Muhammad noong 680 AD.
Kada taon ay milyon Shia Muslim pilgrims ang nagtutungo sa Karbala para sa Ashura na ito ay ginaganap tuwing unang buwan ng Islamic lunar calendar.
Isinasagawa ang rituals sa pamamagitan ng pagtakbo patungo sa Imam Hussein Mosque kung saan marami ang natumba na nagresulta sa kamatayan ng iba.