-- Advertisements --
CEBU CITY- Umabot 31 ang natalang nagpositibo sa COVID-19 sa Philippine Coast Guard dito sa Central Visayas.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Jr. Grade Eric Salcedo, ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG-7) ng makapanayam ng Bombo Radyo Cebu.
Ayon dito na 2 sa 31 personnel ang nakarecover na.Habang ang natirirang 29 ay 15 sa mga ito ang asymptomatic at 14 naman ang nasa mild condtion.
Ngunit nilinaw naman ni Salcedo na minimonitor nila ang kalagayan ng kanilang kasama at giit nito na hindi naman delikado ang kanilang lagay.
Nabatid na karamihan sa mga nagpositibo ang mga coastguard personnel na nakadeploy sa Cebu City at Cebu Province.